Monday, November 20, 2006

11-20-06 wala lang

hay naku... may ale kanina lang mga 6:45pm na himihingi ng pera para dun sa dala nyang sulat, kaya lang di k nabasa dahil wala naman talaga ako dalang pera kahit piso....totoo kung kilala mo ako maniniwala ka talagang wala akong kadaladalang pera... tapos sabi nung ale "ikaw yan" sabay turo sa pinapanood ko sa youtube eto website:http://www.youtube.com/watch?v=fZyLH5TPOMs yan kung may time ka panoorin mo sobrang laftrip*. wala lang yun lang talaga tama na kukuha pa ako news para sa RE-ED*.

*laftrip- sobrang nakakatawa.
*re-ed- religious education (subj)

******7:17pm***
grabe biruin mo yun habang nag ta-type ako nito may ale na naman lumapit (ibang ale hindi yung kanina) at dahil may headset ako sabi nya nung pagkatanggal ko ng headset para daw yun sa orphanage.... huhu wala talaga ako dalang pera kahit piso =( ... promise.. yun lang talaga nagpahabol lang yung ale sana wala ng dumating na ale....

*****7:20pm***
meron pa pala ano ba yan... bigla naman may nag karoling sigurado ako may ibibigay naman sila... hmmmm.... di yata matapos ang mga humihingi ng tulong at kaunting pera... biruin mo yun tatlong sunud-sunod hm.... grabe naman yun.. nagpunta lang talaga ako sa blog ko para ikwento na yung ale akala ako yung nasa YOUTUBE eh si Yend yun ng PinoyDreamAcademy.. hm... makauwi na nga lang ang wierd ng araw na ito bukas ko na itutuloy yung news na nakuha ko... bye na talaga last na 'to...

Wednesday, November 15, 2006

Mardi Gras- An occasion of great festivity and merrymaking.

11-15-16 6:55pm
yan Mardi Gras na naman. Natatandaan ko noong isang taon Mardi Gras din grabe yung ingay dito sa amin, as in may live band sa kabilang dulo ng street namin tapos dito sa may intersection battle of the bands na sobrang gagaling ng mga kalahok eh sobrang bata pa lang nung ibang sumali. Tanda ko pa nga pinaka favorite nang crowd noon yung batang drummer payatot na nakahubad ng shirt nya na kita na ang gitara s katawan pero astig pa rin bata pa lang kasi eh.
Ngayon live band pa rin sa kabilang dulo tapos dito sa tapat namin may mga color game yata kasi may nakita ako kanina na maglalagay pa lang ng gamit nila. may binggo din ang globe dun sa may globe tapos david salon may pakana* din tapos daming nagkalat na as usual tindahan ng popcorn, my fave candy ever and cotton candy, fishballs, mga umiilaw na thingy and something(pasensya na di ko lam tawag dun) at kung ano-ano pa.
Naka-usap ko pala ngayon si Lalaine b-day nya pala ngayon di ko man lang naalala.
HEHE nag parade kanina mga 9:00Am ang ingay ng mga tao pero okay lang saya naman nila.
eto ang mga pictures:
yan yung banda kanina di ko lang napanood kasi ayoko tinamad ako dito na lang kita ko naman kahit papaano.

habang ako and2 lang sa loob. internet lang aircon pa init sa labas eh. mga 9:00AM din yang pic na yan habang may parade sa labas.

at ngayon naman and2 ulit ako dahil..... teka bakit nga ba? kukuha ako ng assignment sa Re-ed* eh kaya lang eto muna inatupag hehe napakasipag ko pala talaga.. kagagaling ko lang citimart eh nag grocery ako nakakapagod kaya yun... kaya liwaliw* munhmm.. dutchmill sarap lasang yakult....hmm.. ultimate fan din ba kayo ng yakult o dutchmill?

FYI: yung teacher ko ngapala kamukha ni Gabe Mercado yung nasa commercial na "Okay ka ba tyan?"


ilang taon na ba sa akin itong damit na 'to? di ko talaga matandaan eh... manonood na ko sa labas bye bye

*pakana- uhm.. pakana ehehe

*Re-ed- religious educatoin, subject namin

*liwaliw- magsaya

Wednesday, November 08, 2006

KaTaMaRaN mAg BlOg!!!!

grabe d ko lam kung bakit tamad akong mag blog, at d lang mag blog pati na rin mag friendster...
sa katamaran kong ito di ko man lang nabanggit ang mga sumusunod na pangyayari, kaganapan, events, kalokohan, kalokahan at kung ano-ano pa:

1.una- na kwento ko na ba dito na na-frozen yung account ko sa NEOPETS dahil sa pandaraya. oo, tama ang iyong narinig(ay nabasa pala) PANDARAYA. sa tagal kong pag-aalaga sa mga pets ko dun ma-fro-frozen lang sya ng ganon!! sabagay tama ang sabi ng neopets na nag CHEAT daw ako. nilipat ko kasi yung ibang NP(neopoints) dun sa isa kong account para dumami kaya naging FROZEN. tanggap ko naman dahil ako nga ang mali. 790,500+NP na yung naipon kong NP pero konti pa lang naman yoong nakuha ko doon sa isa kong account, kung ibabawas ko yun di aamabot ng 50,000NP eh di sana may 740,500NP pa ako doon. huhuhu... sayang 2002 o 2003 pa yata ko ginawa yung account na yun... sama talaga sa pakiramdam... hay....

July 21-24,2006
2.pangalawa- eh nakwento ko na rin ba yung nagpunta kami sa Northern Luzon. oo, Northern Luzon kasama na dun ang Pagudpod ng IlocosNorte, Vigan ng IlocosSur, Candon, San Fernando sa LaUnion o Pampangga (ay ewan), Urdaneta City etc... hay naku share na lang ako ng picture sa susunod.


3.pangatlo- dumaan na ang mga sumusunod na kaarawan wala naman nangyaring maganda:
chela- july28
mama- sept29
honeypie- oct26 <--- sayang di sya nakasama sa enchanted

Oct.24-25,2006
4.pang-apat- katulad ng nabasa mo sa taas pumunta nga kami sa ENCHANTED KINGDOM.. wahaha napakasaya. BUMPCAR, ROLLERCOSTER at ANCHORSAWAY ang pinagsawaan namin ni chela.. takbo dito at takbo doon. Tapos naisipang sumakay sa RIOGRANDERAPIDS kaya ayon nabasa kami, at syempre ayaw namin magpalit ng damit nagpatuyo na lang kami sa ANCHORSAWAY at ROLLERCOSTER syempre mahangin dun dba?..eto pa ha sa isang tindahan dun may tinda silang icecream na MILO pero lasang OVALTINE haha hilarious talaga dun..
(yan cge hanap ng pwesto na di mababasa)


(yan nangyayari kapag nabasa kayo sa RIOGRANDERAPIDS)

5.pang...- pakatapos sa EK punta naman kami MALL ,SMLIPA tamang-tama kabubukas lang daw ng MAll na yun.. wala lang.. (nakakatama mag kwento) ayun MAlling syempre.. pero pinka masarap dun sa Mall na yun eh yung pagkain syempre... P5.00 icecream naka-4 na cone yata ako so P20.00 yun. tapos P50.00 na TIGERROLL sa (FreshBake yata yun) sobrang sarap..

6.TAGAYTAY- wohoo napakasarap talaga dito sa Tagaytay parang mas maganda pa dito kesa sa Baguio. sarap sa pakiramdam at sa baga ang FreshAir (inhale exhale inhale exhale) ano pang gagawin dito edi syempre picture taking, merienda, pasyal, lakad, tingin ng souvenir tapos uwi na daan muna BatangasCity.. tapos uwi na ng tuluyan at inggitin si HoneyPie hanggang umiyak unfortunately di sya umiyak paiyak pa lang..

7.NIGHTSWIMMing- sa ANAHAW lang naman kami pumunta dadayo pa ba sa iba.. nagbadminton din kaya sumakit ang katawan kinabukasan, kumain (syempre mawawala ba naman yun) ng sigsig at pansit at uhm.. di ko lam kung anong tawag dun.. nakinig ng acoustic, nag-request nga sila di naman yata alam yung song..tapos, tapos na. pag-uwi internet lang ng mga walng kwentang bagay sa net.

di naman pala gaano marami dba? tinatamad pa ako nyan... sobra..

Saturday, October 21, 2006

LiNdOl TaPoS eArThQuAkE


ano bang date ngaun??? ahh.. basta kagabi lumindol tapos kanina may earthquake... hayyy apat(4) na malalakas simula kagabi mga 10:35 pm hanggang kaninang umaga 1:27am syempre gising kasi may UPLaTe tapos nagising ng 6:12am kasi lumindol ng malakas tapos 10:55am tulog ako haha salamat naman..... balibalita sa radyo nila (hindi ko) na entensity5 daw umabot yung lakas ng earthquake... wala lang..... NAKAKAHILO tama nahhhh....

Saturday, September 23, 2006

Sunday na half day init at ung other half syempre ulan!!!

Tagal ko na di nakaka internet kaya naman ngayon lang ako makakasulat d2 sa aking walang kwenta at walang laman na blog...

MOnday sept. 18/06

ang FINALS namin na volleyball sa P.E. natapos din.. naku kinakabahan talaga kami kasi naman dalawa lang ang marunong sa smin

Friday, August 25, 2006

VoLleYbALL, pinaka magandang sport sa buong mundo!!!

WED. AUG.25 2006
Hay salamat natapos na aking pinaka katakutang MIDTERM namin sa P.E., sa lahat ng exam dito yata ako babagsak... midterm namin kailangan makapagserve ng bola at kailangan pasok syempre service nga ehhhl.... nakakahiya wala man lang kahit isang pumasok... kung alam ko lang na kailangan talaga pag-aralan ang VOLLEYBALL noon ko pa ginawa.. sayang lang ang tangkad ko nakakahiya... yung iba talaga small but terrible hanep din naman sa lakas tumira.. kamusta naman yung kung sino pa ang malalaki di marunong... kawawa naman kam nung klasmeyt ko dinaan lang sa tangkad wala din naman palang ibubuga....

Tuesday, August 22, 2006

SuNnY but RaInY DaY!!!

Ang weird ng panahon ngayon... mainit nga may konting ulan naman.....
ano kaya magandang gawin